Naging matagumpay at encouraging ang isinagawang apat na araw na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2022 sa Bangkok Thailand.
Sa isinagawang kapihan with the media ni Pangulong Marcos sa Bangkok Thailand, sinabi nitong encouraging na makita na magkakapareho ang pagtukoy ng problema at pagharap sa mga ito ng mga APEC leaders.
Ilan aniya sa mga problemang pare-parehong hinaharap ng mga APEC leaders ay usapin sa climate change, food security at clean energy.
Nagkasundo anya ang bawat APEC leaders kung ano ang mga dapat tugunan o solusyonan.
Nakatagpo rin daw ang pangulo ng parehong pang unawa sa mga usaping may kinalaman sa bagong ekonomiya, political situation, geopolitical situation at iba pa sa katauhan nina French President Emmanuel Marcron at Saudi Arabia Prime Minister Mohammed bin Salman Al Saud.
Mahalaga rin daw ayon sa pangulo na nakilala niya ang mga makapangyarihang lider sa buong rehiyon at nagkaroon ng makabuluhang discussion dahil naipaliwanag aniya sa Pilipinas ang kanilang mga plano at naipaliwanag din ng Pilipinas ang mga plano para sa pag angat pa ng ekonomiya ng mga bansang kasapi ng APEC.