45 lifeguard mula Samal Island, isinalang sa water search and rescue training ng PCG

33

Isinalang ng Philippine Coast Guard sa water search and rescue (WASAR) at rubber boat operation and maintenance (RBOM) training ang 45 lifeguards ng Samal Island.

Itinuro sa mga lifeguard ang tamang pagbibigay ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) at iba pang lifesaving technique na mahalagang kaalaman at kasanayan sa pagliligtas ng buhay.

Itinuro rin sa kanila ang tamang paggamit ng rubber boat tuwing may search and rescue (SAR) operation.


Tinutukan din ng mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel ang pagbabahagi ng underwater knot tying technique at istratehiya para mapagtagumpayan ng mga lifeguard ang one-mile survival swim.

Facebook Comments