APRUBADO NA | Proposed BBL, lusot na sa committee level ng Kamara

48

Manila, Philippines – Aprubado na sa committee level ng Kamara ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) kasunod ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-prayoridad ang pagpasa sa BBL.

Inaprubahan ang BBL sa isang executive session ng committees on local government at Muslim affairs and special panel on peace, reconciliation and unity.

Sa botong 2-1, inaprubahan ang mosyon ni Maguindanao Representative Bai Sandra Sema na i-adopt ang house bill 6475 na inihain ni Speaker Pantaleon Alvarez na ginamit bilang final draft ng Bangsamoro transition commission na isinumite naman sa Pangulo.

Muli namang tatalakayin ng joint panel ang pagdinig sa BBL sa May 15 o sa pagbabalik sesyon ng Kamara.

Facebook Comments