ARESTADO | Anim na drug suspek kabilang ang isang dayuhan, timbog sa iligal na droga sa Pasay City

Pasay City – Arestado ang anim na drug suspek kabilang ang isang dayuhan sa magkakahiwalay na operasyon sa Pasay City.

Unang naaresto sina Alvin Sales, Nelson Savior, sa Premero de Mayo sa Barangay 90, matapos na makuhanan ng dalawang pakete ng shabu.

Isang New Zealand National na si Shaun Balac Bay ang inaresto sa River Side Street Sa Baranga. 156 makaraang makabili ng isang pakete ng shabu kung saan hindi naman nito kilala ang nagbenta sa kaniya.


Nasakote naman ng mga pulis sina Edwardo Ramirez, Broyland Abelilia at Florencio Marteres habang nagpa-pot session sa Barangay 39.

Facebook Comments