ARESTADO | Dating PBA superstar, arestado matapos saksakin ang kaniyang live-in partner

187

Manila, Philippes – Kalaboso ang dating PBA player matapos saksakin ang kanyang live-in partner sa barangay San Antonio, Makati City.

Kinilala ang suspek na si Mac Cardona.

Sa ulat, dinala ni cardona ang kanyang kinakasama na si Bianca Nicole Jacket sa Makati Medical Center matapos magtamo ng saksak sa kaliwang braso.

Lumalabas na sinaksak ni Cardona si Jacket sa gitna ng kanilang pag-aaway.

Nabatid na inaresto na rin si cardona matapos nitong isangla ang isang nakaw na SUV noong Pebrero.

Facebook Comments