ARESTADO | Helper na tumangay ng pera ng kaniyang amo, timbog sa Valenzuela City

Valenzuela City – Nasakote na ng mga otoridad ang isang helper na tumangay sa pera at cellphone ng kanyang amo sa loob ng public market sa Valenzuela City.

Nakilala ang suspek na si Leugim Nash Paulino, 19-anyos na naaresto sa Barangay Ma­pulang Lupa ng nabanggit na lungsod.

Ninakawan ng suspek ang amo niyang si Belen Miranda Salvador at tinangay ang P160,000 cash, kasama ang cellphone ng negosyante.


Nabatid na iniwan saglit ng suspek ang meat stall para umihi sa banyo sa loob ng Marulas Public Market pero hindi na ito bumalik.

Naibalik naman ang cellhone ng biktima pero nabawasan na ang perang natangay dahil ipinamili daw ng suspek ng gadget at damit ang kanyang nobya.

Facebook Comments