ARESTADO | Labing dalawang tao, huli sa anti-drugs operation sa Malabon City

Malabon City – Arestado ang labing dalawang tao sa ikinasang anti-drugs operations ng pulisya sa Malabon City.

Isa sa mga naaresto ang tinaguriang lider ng drug group na si Marvin Orano alyas “Mabong” na residente ng Navotas City.

Nabatid na matapos na maaresto si Mabong, agad nitong itinuro ang mga kasamahan niya.


Umabot sa isang milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek kung saan inaalam na din ang iba pang mga kasabwat nito na nag-o-operate sa Camanava area.

Facebook Comments