DEAD ON THE SPOT | Lalaki, patay matapos barilin sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaki matapos barilin sa madilim na iskinita sa Antipolo Street, Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Rizad Diaf na nabatid na nasa drug watch list ng pulisya.

Sa initial na imbistigasyon, isang motorsiklo na may sakay na dalawang lalaki ang huminto malapit sa nabanggit na kalye kung saan bumama ang angkas nito saka binaril ng malapitan ang biktima.


Lumalabas sa datus ng Abad Santos PCP pasok sa drug watch list ang biktima at maraming reklamo na ang nakarating sa mga pulis dahl sa ginagawang drug den ang bahay nito.

Facebook Comments