Arraignment sa kasong libel laban kay Trillanes, isasagawa ngayong araw

Nakatakdang ngayon araw ang arraignment sa kaso ni Senator Antonio Trillanes IV sa Davao.

Kaugnay ito sa kasong libelo na isinampa laban sa kanya ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Presidential son-in-law Atty. Manases Carpio, asawa ni mayor Inday Sara Duterte-Carpio.

Diringgin ang kanyang kaso sa Regional Trial Court (RTC) Branch 54.


Una nang naglabas noong Disyembre ng nakaraang tao si Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ng apat na warrants of arrest laban sa senador na naghain naman noon ng piyansa.

Facebook Comments