Kasalukuyang contractor sa paggawa ng PH passport, tiniyak na walang nangyaring data breach

Tiniyak ng Apo Production Unit Incorporated na walang nangyaring pagtangay sa data ng mga passport holder.

Ayon kay Michael Dalumpines, chairman ng Apo Production Unit Inc., walang non-compatibility issue sa sistema ng dating French contractor na Oberthur.

Aniya, na-access nila ang data na ipinasa sa kanila ng Oberthur.


Pagtitiyak rin ni Dalumpines, na-retrieve ng kanilang I.T ang lahat ng data at secure ang mga ito sa printing plot nila sa Batangas.

Sa isang tweet naman, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na nagpadala na ito ng 20 tauhan sa planta ng Apo sa Limay, Batangas para sa isang plant visit.

Facebook Comments