Artikulo ng Forbes magazine tungkol sa korapsyon sa Pilipinas, pinalagan

Pinalagan ni Albay Representative Joey Salceda ang artikulo ng isang magazine na nagsasabing mas laganap ang korapsyon ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Salceda – hindi totoo ang inilabas na artikulo ng Forbes dahil patuloy ang pagsupil ng pamahalaan sa katiwaliang bumabalot sa iba’t-ibang ahensya.

Kabilang na rito ang mga anomalya sa bigas, tubig at iba pa.


Pinuna rin ni Salceda ang nakasaad sa artikulo na humina ang foreign policy ng bansa sa pamumuno ni Pangulong Duterte gayundin sa poverty rate ng Pilipinas.

Taliwas aniya ito sa maraming Pilipinong umaangat ang buhay at nawala sa sektor ng kahirapan.

Iginiit naman ni Presidential spokesperson Salvador Panelo – hindi nabigo ang pamahalaan sa pagtugon sa korapsyon sa bansa.

Ilan sa mga naging hakbang ng pamahalaan kontra korapsyon ay ang pagtatag ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), at anti-corruption hotline na 8888.

Facebook Comments