ASIAN GAMES | SBP, gumagawa na ng paraan para maisama sa national team si Jordan Clarkson

Manila, Philippines – Naniniwala ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na may pag-asa pang makapaglaro ang Fil-Am NBA player na si Jordan Clarkson sa basketball team ng bansa na lalahok sa Asian Games.

Nabatid kasi na nakakuha na daw ng clearance si Clarkson sa kanyang mother ball club na Cleveland Cavaliers para maglaro.

Dahil dito, ginagawa na raw ngayon ng sbp ang lahat para makuha ang serbisyo ni Clarkson para sa Philippine team na lilipad na patungong Indonesia sa susunod na linggo.


Pero dapat ay umayon ang lahat sa sitwasyon dahil sa loob kasi ng isang linggo ay kailangang makakuha ng clearance si Clarkson sa NBA, pati na rin sa Olympic Council of Asia (OCA) para makasali sa Asiad na magsisimula na sa Agosto 18.

Facebook Comments