Kalibo, Aklan — Dahil sa labis na pagmamahal sa kanyang alagang aso, binigyan ng isang disenteng libing ng isang lalaki ang kanyang alagang Japanese spitz sa bayan ng Kalibo.
Emosyunal na inihatid sa kanyang libingan ang asong si Nikki ng kanyang amo na si Mr. Albert Manalo ng Oyo Torong St. Kalibo kaninang hapon matapos mamatay ito sa sakit noong December 17, 2018.
Ayon sa kanya na napamahal na sa kanya ang aso kung saan itinuring na nya itong pamilya dahil nagsama sila ng mahigit pitong taon.
Dagdag pa nito na nasagip rin ng naturang aso ang kanyang buhay nang muntik ng masunog ang kanilang bahay noong 2015.
Nagkasakit umano ang aso kung saan sa kabila ng maraming pinuntahang beterenaryo ay hindi ito naagapan.
Mahigit isang buwan ring ibinurol sa kanyang bahay ang asong si Nikki kung saan inalayan rin ito ng dasal at kandila.
Halos isang daan ring pet lovers mula sa ibat ibang bayan sa Aklan ang sumama sa prosesyon bago ito inilibing sa balkunahe ng kanilang bahay ng kanyang amo.
May paalala rin si Mr. Manalo sa mga pet lovers na mahalin at pahalagahan ang kanilang mga alaga.
Aso sa Kalibo binigyan ng disenteng libing ng kanyang amo
Facebook Comments