AYAW MAKIALAM | Speaker Alvarez, hindi pipilitin si MRT3 GM Rodolfo Garcia na magbitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Walang balak si House Speaker Pantaleon Alvarez na hamunin si MRT3 General Manager Rodolfo Garcia na magbitiw sa pwesto.

Giit ni Alvarez, ayaw niyang makialam kung gusto na ni Garcia na magbitiw o kaya naman ay manawagan siya sa resignation nito.

Desisyon na umano ng MRT3 General Manager kung ano ang gagawin.


Samantala, aminado si Alvarez na wala siyang tiwala sa kakayahan ni Garcia para mamuno sa pagpapatakbo ng MRT3.

Isang taon na sa MRT si Garcia pero mas lumala pa ang problema dito.

Ang kailangan umano ng MRT3 sa ngayon ay isang tao na talagang kayang ayusin ang takbo ng operasyon nito.

Facebook Comments