IMPOSIBLE NA | Maja Salvador, wala na daw balak makipag-balikan sa mga naging ex nito

Showbiz – Aminado ang aktres na si Maja Salvador na imposible na silang magkabalikan ng kanyang ex-boyfriend.

Say ni Maja, naka-move on na raw kasi siya mula sa kanilang hiwalayan.

Ayon pa kay Maja, kapag tapos na ang isang relasyon sa kanya ay talagang tapos na ito at wala ng balikan pa na mangyayari.


Hindi rin daw pumasok sa isip ni Maja ang maghiganti sa taong nanakit sa kanya sa totoong buhay dahil never daw niya itong gagawin at naniniwala siya na babalik sa tao kung ano ang ginawa niya sa kaniyang kapwa.

Matatandaan na huling naging karelasyon ni Maja ay ang aktor na si Gerald Anderson kung saan naghiwalay sila noong 2015.

Hindi naman sumagot ang aktres sa tunay na estado hinggil sa non-showbiz guy na sinasabing nanliligaw daw sa kaniya.

Facebook Comments