Kinitil ng isang 48-anyos na babae mula England ang kanyang sariling buhay dahil sa takot na bumalik ang breast cancer.
Natagpuang patay si Alison Douglas sa kanyang bahay ilang buwan matapos sabihin ng doktor na all-clear na o wala na siyang sakit.
Sa kabila ng inilabas ng doktor na 70% ang tsansang mabubuhay si Alison sa susunod na 10 taon, nakain ng takot ang ginang na bumalik ang cancer.
Ayon sa pagsisiyasat ng Hull Coroner’s Court, dumaranas ng depression and anxiety ang biktima sa nakalipas na 10 buwan matapos masuri ang naturang sakit.
Ilang beses na rin daw nagtangkang magpakamatay si Alison batay sa ulat ng Hull Live.
Sa kwento naman ng kanyang asawa, Nobyembre nakaraang taon ng makatanggap sila ng tulong mula sa Miranda House mental health unit para sa kalagayan ng asawa, ilang buwan matapos siyang makitaan ng cancer.
Simula raw noon ay napansin na nila ang pagbabago sa kinikilos ng asawa.
Nagsimula na rin umano nitong ilarawan ang sarili na “worthless and a waste of space”.
Dumating rin daw sa puntong hindi na ito lumalabas ng bahay at hindi na nakakatulog tuwing gabi.
“Alison was a very kind, funny person who was popular with others. She worked at Humdinger and loved her work and used to run a lot of charity events and events for mothers,” dagdag pa nito.
Inilarawan rin niya ang asawa bilang mabait, nakakatawa, at kilala ng lahat.
Wala namang nabanggit kung paano kinitil ng bikima ang buhay.
(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.
Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084)