Nagpalabas na ng kanyang opisyal na pahayag si Atty. Peachy Alfelor – Moraleda kaugnay ng pagpahayag na rin ng kampo ni Iriga City Mayor Madel Alfelor bilang bagong kaalyado sa politika ni Cong. Rolando Nonoy Andaya, Jr.
Si Andaya ay una ng nagpahayag ng kanyang intensiyon na tatakbo bilang governor ng Camarines Sur sa darating na 2019 elections.
Magiging running mate ni Andaya bilang Vice Governor si Atty. Peachy Alfelor-Moraleda.
Ayon kay Atty. Peachy, welcome sa kanila ang pagpasok ni Mayor Madel Alfelor sa grupo ni Andaya. Si Mayor Madel ay nagpahayag na siya ay tatakbo bilang Kongresista sa 5th District ng Camarines Sur sa 2019 elections sa linya ni Nonoy Andaya, Jr.
Nilinaw ni atty. Peachy na hindi siya tatakbo bilang Kongresista, o Board Member, o Mayor ng Iriga City. Sa halip, pagka-Bise Gunermador ang inialok sa kanya ng grupo ni Andaya at ito ay tinanggap na niya.
Ginawa ni Peachy ang pagliilinaw sa pamamagitan ng kanyang social media account matapos lumabas ang bali-balitang parang may nagsasabing hati-hati ang pamilya Alfelor sa Rinconada area.
Magugunitang watak-watak sa politika ang pamilya Alfelor nitong nakaraang 2 national and local elections sa bansa. Subalit ngayon, malinaw ng nagkabuklod muli ang malaking pamilya sa pamamagitan ni Cong. Nonoy Andaya na kinikilala nilang magiging angkop at mabuting lider ng Camarines Sur.
Samantala, ipinahayag naman ni Cong. Sal Fortuno ng 5th District ng Camarines Sur sa DWNX – Doble Pasada na si Misis niya ang tatakbo para sa pagka-Kongresista sa darating na 2019 elections. Dahil sa development na ito, inaasahang 2 babae ang maglalaban-laban para sa pagka-Kongresista sa Rinconada district.
Babae sa Babae: It will be Atty. Peachy Alfelor-Moraleda -vs- Imelda Papin sa Camarines Sur VG sa 2019
Facebook Comments