*APAYAO*- Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Calanasan, Apayao sa naganap na pamamaril kay Engr. Junelyn Liyaban ng Omengan Construction and Development Corporation makalawa ng gabi ng Septyembre sa Poblacion, Calanasan, Apayao.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Superintendent Dominador Halog Jr., ang Provincial Director ng PNP Apayao, pag-ibig umano ang isa sa nakikitang motibo sa pagpatay kay Engr. Liyaban ng Dananao, Tinglayan, Kalinga.
Aniya, base umano sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP Calanasan, dati umanong magkasintahan ang biktima at ng suspek na si Reden Bonilla Garcia ng Tabuk City, Kalinga na drayber ng Omengan Construction and Development Corporation at nais umanong makipagbalikan ng suspek sa biktima subalit ayaw umano ng inhinyera.
Dahil dito ay nagwala at bigla na lamang umanong binaril ni Reden si Junelyn habang sugatan naman ang isa pa nitong kasama na si Cletto Cay-an Maclinic na drayber rin ng nasabing Construction site.
Ayon pa sa nasabing opisyal, kasalukuyan pa rin umano ang kanilang imbestigasyon hinggil sa nasabing pamamaril.