Barangay patrol mobile sa Mandaluyong City tinamb angan…sakay na lalaking suspek pinagbabaril, patay

Manila, Philippines – Patay ang 24-anyos na lalaki matapos tambangan ng tatlong naka motorsiklo ang barangay patrol mobile ng barangay addition hills, Mandaluyong City.
 
Ayon kay SPO1 Gregorrio Acbay ng Mandaluyong PNP, suspek sa kasong pagnanakaw ang napatay na si Elvis Boragay Jr.
 
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, dadalhin na sana sa Mandaluyong City medical center para ipa-medical ang suspek pero bigla silang hinarang.
 
Ligtas at nakatalon ang apat na barangay tanod matapos silang pagbabarilin ng dalawa sa mga nakamorsiklo.
 
Batay sa record ng barangay, sangkot sa ilang kaso ng pagnanakaw si Boragay na kabilang din sa drug watch list ng Mandaluyong City.
 
Inaalam na ng pulisya kung nahagip ng CCTV camera ang nangyaring pananambang.


Facebook Comments