BABALIK ULIT | Miss Universe 2017 candidates, nabitiN sa pagbisita sa bansa

43

Nabitin sa kanilang pagbisita sa isla ng Camiguin ang walong kandidata ng Miss Universe 2017.

Ayon kay Tourism Regional Director Marie Elaine “Mae” Onchuan, sobrang na-enjoy kasi ng mga kandidata ng Korea, Spain, India, Netherlands, Canada, Italy, USA at Singapore ang magandang view at beach sa Camiguin.

Dahil dito, ipinangako ng mga kandidata na babalik sila sa isla kasama ang kanilang pamilya.

Kabilang sa mga binisita ng walong kandidata ang White Island, Sunken Cemetery, The 16th Century Old Church, Tuasan Falls at Balai Resort sa Baibai, Camiguin.

Facebook Comments