BABANTAYAN | Oversight committee na magbabantay sa performance ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, muling binuhay

Manila, Philippines – Muling binuhay ng Kamara ang Oversight committee na magbabantayan sa performance ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno.

Itinalaga ni House Speaker Gloria Macapagal si House Minority Leader Danilo Suarez bilang chairman nito.

Habang si Buhay Partylist Representative Lito Atienza ang magsisilbing vice chairman ng komite.


Layon ng Oversight committee na bantayan ang klase ng trabaho ng mga government agencies para matukoy ng Kongreso kung may accomplishment o kulang sa performance ang alinman sa mga ito.

Facebook Comments