Nabawasan na ang backlogs sa pag-iisyu ng mga driver’s license.
Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na sisikapin pa nilang mabawasan ito hanggang makamit ang zero backlog level.
Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade, mula 300,000 backlogs noong Agosto 2022, nabawasan ito ng humigit-kumulang 92,000 hanggang noong Nobyembre.
Ani Tugade, naging malaking isyu at alalahanin ng maraming motorista ang delay sa pagbibigay ng driver’s license kaya nag-double time ang ahensya para matugunan ito.
Isa sa mga dahilan ng backlog ay ang defective laser engraving machines sa ilang LTO district at extension offices.
Facebook Comments