POLO Hong Kong, hindi magsususpinde ng operasyon sa December 8

Inanunsyo ng Philippine Consulate sa Hong Kong na mananatiling bukas ang Philippine Overseas Labor Office o POLO Hong Kong sa Huwebes, December 8.

Ito ay bagama’t holiday sa Huwebes dahil sa Kapistahan ng Immaculate Conception.

Nilinaw naman ng konsulada na ang pagbubukas ng POLO-Hong Kong ay para lamang magserbisyo sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na kukuha ng overseas employment certificate.


Sarado naman sa Huwebes ang tanggapan ng Philippine Consulate sa Hong Kong maging sa iba pang Philippine posts sa abroad.

Facebook Comments