Bagong District Director ng EPD, inatasan mag bantay sa mga lugar na walang tubig

179

Pinag-utos ni Chief Supt. Christopher Tambungan Hepe ng Eastern Police na bantayan at siguraduhing nasa maayos na kalagayan ang lahat ng mga nagrarasyon ng tubig sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

 

Ayon kay Tambungan, siguradong mainit na ang ulo ng mga tao lalo na at ang iba sa kanila ay mahigit isang Linggo nang walang tubig.

 

Nais ng opisyal na huwag magkaroon ng sakitan sa pagitan ng mga residente kasama na dito ang mga tauaham ng Lokal na Pamahalaan, Bureau of Fire at iba pang institusyon na siyang nagrarasyon ng tubig.

 

Dagdag pa ni Tambunhan, mas lalo daw nilang paiigtingin ang pagbabantay para masigurobg payapa at nasasa-ayos ang pamamahagi ng tubig sa gitna ng krisis na kanilang nararanasan.

Facebook Comments