Naitala ang pinakabagong kaso ng bird flu sa Barangay Bantug, Alicia, Isabela ayon na rin kay Regional Executive Director Narciso A. Edillo.
Ayon kay RD Edillo, bagamat isang commercial farm lang ang apektado, umabot naman sa 2,700 heads na layers ang ibinaon sa lupa sa pagtutulungan ng DA RFO 02, BAI, PLGU Isabela at MLGU Alicia upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa karatig na lugar.
Nakikiusap naman si Edillo sa publiko na ipagbigay alam kaagad sa kinauukulan kung mayroong naoobserbahang pagkamatay ng mga alagang manok upang maagapan ang pagkalat ng sakit.
Una nang naitala ang kaso ng bird flu sa rehiyon dos sa Marabulig II, Cauayan City, Isabela noong Abril 21, 2022 kung saan kaagad namang nakontrol sa pagtutulungan ng DA, LGU at iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.