Labing dalawang sunod-sunod na araw nang nakapagtatala ng mas mababa sa 100 kaso ng COVID-19 ang Philippine National Police (PNP).
Kahapon, batay sa ulat ng PNP Health Service ay nakapagtala na lang sila ng 61 na bagong kaso ng mga nagkasakit habang 62 naman ang mga bagong gumaling.
Dahil dito, bumaba na sa 848 ang kanilng aktibong kaso ng COVID-19.
Una nang sinabi ni PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) Commander Lt.Gen. Joselito Vera Cruz na malaking factor sa pagbaba ng COVID-19 cases sa hanay ng PNP ang patuloy na pagbabakuna sa kanilang mga personnel.
Wala namang nadagdag sa mga nasawi sa PNP kaya nananatili ang bilang nito sa 123.
Facebook Comments