Bagong OIC ng LTO, inikutan ang paligid ng kagawaran at inalam ang galawan ng mga fixer

Epektibo ngayong araw ang opisyal na pagsisimula ng trabaho ni assistant secretary Hector Villacorta bilang Officer-In-Charge (OIC) ng Land Transportation Office (LTO).

Pero inihayag nito sa Laging Handa briefing na kahapon pa lamang ay nagsagawa na siya ng pag-iikot sa labas at paligid ng gusali ng LTO na hindi nagpakilala.

Ayon kay Villacorta na batay sa kanyang pagtatanong tanong sa mga umaaligid na fixers sa labas ng LTO nalaman nyang dalawang libong piso ang bayad sa mga fixer sa bawat transaksyon.


Dahil dito mayroon nangg inisyal na pagtaya o assessment sa sitwasyon ang opisyal.

Sa ngayon mayroon aniyang loud speaker sa kanto ng east avenue na palaging nagpapaalala sa publiko na huwag patulan ang mga nag-aalok na paglalakad ng mga dokumento.

Siniguro ni Villacorta na gagawan ng aksyon ang patuloy na presensiya ng mga fixer sa paligid ng kagawaran.

Facebook Comments