Bagong Omicron variant, itinuturong dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID infections sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na ang bagong Omicron subvariant na Arcturus o XBB.1.16 ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa DOH, nakikita rin nila na may local transmission ng naturang variant kaya tumataas ang kaso ng infection.

Nakapagtala rin ang DOH ng tatlo pang kaso ng XBB.1.16 subvariant sa bansa kaya umaabot na sa apat ang kaso nito ngayon sa bansa.


Nilinaw naman ng DOH na base sa ulat ng World Health Organization (WHO), hindi mapanganib ang nasabing subvariant bagama’t mabilis itong makahawa.

Sa ngayon, pumapalo na ang daily average ng infection sa 1,533 kung saan mas mataas ito ng 75% kumpara sa mga kaso sa nakalipas na linggo.

Facebook Comments