Cauayan City, Isabela- Isa sa hinahabol ngayon ng kongreso na ibibigay para sa mga manggagawa ay ang panukalang batas kaugnay sa Occupational Safety at Health Standards na hinihintay pa lamang na pagkasunduan ng kongreso upang sa ganon ay maging ganap na itong batas.
Ito ang inihayag ni Cagayan 3rd District Congressman Randolf Ting sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Staright to the Point kaninang umaga.
Ayon sa Congessman, ito umano ang isusunod nilang aasikasuhin sa kongreso na mas lalong makakapagpatibay sa proteksyon ng mga manggagawa.
Layunin umano ng kanilang ipapanukalang planong batas, na titignan ang mga lugar o gusali na pinagtratrabahuan ng mga manggagawa kung ito ba ay ligtas at kung tama at sapat ang kanilang mga Fire Exits.
Bukod dito ay layunin din ng kanilang planong batas na kailangan din umanong sumunod ang mga kumpanya sa Health Standards gaya na lamang kung mayroon mahigit isang libong empleyado ang isang kumpanya ay dapat mayrroon na itong sariling Doctor.
Samantala, mayroon umanong limang libong trabaho ngayong araw ang inihanda ng lalawigan ng Cagayan para sa mga wala pang trabaho kaya’t inaanyayahan ngayon ni Cagayan 3rd District Congressman Ting ang lahat na dumalo sa mga job fair ng DOLE upang makita ang mga bakanteng posisyon na maaaring applayan.