Bagong Traffic Scheme sa Cauayan City, Hindi pa Maipapatupad!

Cauayan City, Isabela – Hindi pa maaring ipatupad sa ngayon ang ilang
traffic code na napag-usapan sa pagitan ng PNP Cauayan City, POSD at SP
Members dahil sa may mga kalye na gagamitin sa Gawagaway-yan Festival ng
lungsod.

Sa ginanap na committee hearing sa city council,ibinahagi ni Planning
Officer Engineer Cortez ang dating traffic code at ang naidagdag sa
nakalipas na committee hearing noong March 2,2018.

Napagkaisahan sa ginanap na sesyon na maging two way na ang F. L. Dy Street
at mananatiling one way ang Dalupang at Africano Street samantalang
magiging two way naman ang Pilar Street.


Lalagyan naman ng NO PARKING ang magkabilaang daan sa pagitan ng Bucag at
Sipat Street dahil sa nakitang kasikipan ng daan na sanhi ng trapiko dito.

Gayunman iminungkahi ni Vice Mayor Leoncio Dalin Jr. na muling mag-usap
ang PNP at POSD sa mas magandang traffic code para pag-usapan muli
pagkatapos ng Gawagaway-yan sa April 15.

Dahil dito isang dry run muna ang gagawin sa mga daan na hindi maapektuhan
sa festival at ang paglalagay ng mga tamang signages.

Samantala nakita rin ang naging problema sa trapiko ng lungsod ang pagkalat
ng mga TODA kung saan umaabot na ito sa 86 at binabalak na ilipat ang ilan
sa ibang lugar ngunit ito ay ipapatupad lamang pagkatapos ng Gawagaway-yan.

Facebook Comments