Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nag-iwan ng P268.5 million halaga ng pinsala sa national roads at flood-control structures ang Bagyong Dante.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, P106.2 million halaga ng mga nasirang daan at flood-control structures ay naitala sa Central Visayas habang nasa P162.32 million sa SOCCSKSARGEN Region.
Aniya, nag-deploy na sila ng 270 equipment assets at 1,569 personnel para sa clearing operations.
Tiniyak naman ni Villar na agad sisimulan ang clearing operation sa Dalaguete-Mantalongon-Badian Road sa Bayan ng Dalaguete sa Barangay Ablayan sa Cebu, oras na humupa na ang baha doon.
Nanatili namang sarado ang Wright-Taft-Borongan Road, K0861+(-439) – K0890+176, Camp 5 Bndry-Jct. Taft sa Taft, Eastern Samar dahil sa banta ng landslide.
Hindi rin maaaring madaanan pa ang Adgawan Bridge sa La Paz, Agusan del Sur dahil sa nakahambalang na mga gumuhong lupa.