Lumakas pa ang Bagyong Domeng at isa nang ganap na tropical strom habang nananatili sa Philippine Area of Responsibility.
Huli itong namataan sa layong 940 km sa Silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 15 kph.
Sa kabila nito, wala pa namang nakataas na public storm signal kay Domeng pero inaasahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na lalo pa itong lalakas sa loob ng 24-oras.
Facebook Comments