Bahay nasunog sa Linabuan Norte Kalibo, imbestigayon nagpapatuloy

Kalibo, Aklan— Nasunog ang isang bahay nitong umaga sa Brgy. Linabuan Norte Kalibo.
Napaluha nalang nang madatnan ng may-ari na si Mrs. Nida Pamatian 60 anyos residente ng nasabing lugar ang kanilang bahay na tinupok na ng apoy.
Sa panayam ng RMN DYKR Kalibo sa ginang, sinabi nito na walang tao sa kanilang bahay dahil pumanta ito sa bayan para bayaran ang singgil sa kuryente.
Ayon sa mga kapit bahay ng biktima na nakita na lamang nila na nagliliyab na ang bahagi ng kusina ng bahay dakong alas 10:00 ng umaga kanina.
Agad na nagtulungan ang mga magkakapit bahay para mailabas ang mga kagamitan ngunit ilang sako ng palay lamang at mga damit ang kanilang naisalba dahil sa lakas ng apoy.
Samantala ayon kay FSINSP. Joseph Cadag hepe ng Bureau of Fire Protection Kalibo na sa kasagsagan ng kanilang fire supression activity ay nakita nila na nakabukas pa ang LPG tank sa kusina kaya agad nila itong inilabas para hindi sumabog.
Ideneklarang fire out ang sunog dakong alas 10:16 ng umaga kung saan sa kabutihang palad ay walang nailistang casualty.
Nagpaalala naman ang BFP sa publiko na siguruhing walang naiwang nakasaksak na appliances o naiwang nakabukas na LPG sa bahay bago umalis.
Dagdag pa nito na inaalam pa ng kanilang fire investigator ang sanhi ng sunog at maging ang danyos nito.
Base sa salaysay ng may-ari na maraming gamit ang nadamay sa apoy kalakip ang dalawang unit ng aircon na hindi pa naikakabit maliban sa inipon nitong cash sa loob ng bahay.

Facebook Comments