Bahay ng tumatakbong kapitan sa Cotabato city ni-raid ng PNP

Isang Search Warrant operation ang inilunsad ng CIDG ARMM, PP1, City Mobile Force Company, SWAT at CCPO sa isang tahanan ng tumatakbong barangay chairman sa mabini street barangay Bagua 3 ng lungsod kaninang alas tres ng madaling araw kung saan nakasamsam sila ng mga baril at bala.
Ayon sa report ng PP1, ni PCI Reynaldo Delanten, target sa naturang raid ang bahay ni Datu Haakon Blah Mikhail Sinsuat, base sa Search Warrant 2018-033 for violation of 10591. Nakuha sa loob ng bahay niya ang isang caliber 45 colt 1911 at isang magazine na loaded ng siyam na bala, isang shotgun remington.
Naging maayos naman ang pag implement ng Search Warrant kung saan hindi na pumalag ang target at kusang sumama sa mga otoridad matapos ang operasyon.Sa ngayon ay nakapiit na ang suspect at nakatakdang sampahan ng kaso ng mga otoridad..Sa ngayon ay pinapalakas ng City PNP ang kanilang Oplan Paglalansag Omega, Oplan Galugad sa mga taong nagtatago ng mga loose firearms sa lungsod.

Facebook Comments