Bakbakan ng dalawang magkaridong pamilya sa Pikit muling sumiklab

Humupa na kahapon ang bakbakan ng dalawang magkaridong pamilya sa bayan ng Pikit North Cotanato makaraang sumiklab ang palitan ng putok noong biyernes ng gabi sa barangay Bulol na kumalat sa katabing mga barangay. Ayon kay Nasser Gayagay, ang muslim affairs head ng Pikit, na muling nabuhay ang rido ng family Kaludin ng Barangay Buliok at family Makalugui ng barangay Bulol, na sumiklab ang bakbakan noong biyernes ng gabi at nagpatuloy kahapon ng umaga. Humupa lamang ang kanilang putukan ng mapatawag ng Emergency meeting si Pikit mayor Sumulong Sultan, kasama ang batcom ng 7IB,PNP,MSWD, SB Member at ang kapitan ng apat na barangay, Napagkasunduan ng AFP na dapat umatras sa kani-kanilang posisyon ang dalawang naglalabang grupo, at papasok na ang army kung sakaling magpatuloy ang kanilang bakbakan.Maalalang naayos na noon ang rido ng naturang mga pamilya subalit sa hindi malamang dahilan ay muli silang nagbarilan.

Facebook Comments