General Santos City— Hindi pinalampas ng sinasabing batang sukarap o Children in Conflict with Law (CICL) ang bakod sa monumento ni General Paulino Santos sa loob ng Plaza Heneral Santos.
Ayon sa taga-linis ng nasabing lugar na nagpakilalang si Balong, alas 4 ng madaling araw ng makita nalang niya na natanggal na ang isang poste ng bakod at natumba na.
Dagdag pa nito na ayon sa mga bystander sa loob ng Plaza Heneral Santos, alas 12 di umano ng hating gabi ng makita nila ang grupo ng mga kabataan na naka-upo sa paligid ng nasabing monumento at posibleng napagtripan ito o di kaya ay binalak na nakawin ang mga bakal at ibenta ngunit dahil sa matigas at mahirap kunin ang lahat ang bakod ay isa lang ang kanilang nagawang itumba.
Ayon naman kay Rodrigo Buot ang Security Officer ng CSU Gensan may dalawang CSU member ang nakatalaga sa pagbabantay ng Plaza Heneral Santos, ngunit dahil sa lapad nito, posible umanong nasalisihan sila ng mga batang sukarap o di kaya ang mga CSU lang din ang binantayan upang maisagawa ang nasabing bagay.
Tiniyak naman nito na kanilang daragdagan ang bilang ng mga CSU na magbabantay sa Plaza Heneral Santos kung saan may tatlong bagong miyembro ang CSU at sila ay ilalagay sa Plaza Heneral Santos upang masigurong hindi na mauulit ang nasabing pangyayari.
Paglilinaw din niya mayroong curfew ang pagpasok sa Plaza Heneral santos hanggang alas 10 ng gabii ngunit hindi niya alasm kung bakit mayroon pang nakapasok nga alas 12 ng hating gabi.