Bakuna for all, tiniyak ni Pangulong Duterte

Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakatanggap ng bakuna ang lahat ng mga Pilipino bilang proteksyon laban sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.

Sa Talk to the People nito kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na kahit ang mga Pilipinong nakatira sa mga liblib na lugar ay maaaring maturukan ng bakuna kontra COVID-19.

Pero pag-amin ng pangulo, nananatiling problema pa rin ang kakulangan ng suplay.


Ito ang dahilan kung bakit prayoridad sa ngayon ng pamahalaan na magpadala ng maraming bakuna sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments