Bakunahan kontra COVID-19 sa Pasay City sa mga batang 12-17 years old, magpapatuloy ngayong linggo

38

Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Pasay na tuloy pa rin ang bakunahan kontra COVID-19 para sa mga batang edad labing dalawang hanggang labing pitong taong gulang ngayong Linggo kung saan sisimula ito ngayong araw.

Kaya naman ang mga batang nag-aaral sa lahat ng Public Elementary Schools, Pasay City South High School, Kalayaan National High School, at President Corazon C Aquino National High School, ay maaaring pumunta sa Pasay MOA Giga Vaccination Site.

Kasama rin dito ang Pasay Cuty West, Pasay City East, Pasay Situ Science High school, Pasay City North High School – Tramo Main Campus, at mga private schools ng lungsod.


Samantala, umabot na ng 556,589 doses ng COVID-19 ang naibigay na ng Pamahalaang lungsod, kung saan kasma na ito ang first and second dose.

Kahapon nasa 1,286 indibiduwal ang nabigyan ng 1st at and 873 indibiduwal ang kapag pa 2nd dose na.

Facebook Comments