Dinagsa pa rin ng magpapabukana laban sa COVID-19 ang mega vaccination site ng Marikina na nasa loob ng Marakina Sports Center.
Ito’y kahit iisa nalang ang brand na bakuna ang ginagamit, matapos maubos ang stock ng Pfizer at Astrazeneca nitong nakaraang linggo.
Batay sa datos ng Marikina City Health Office, meron nalang ngayon natitirang 11,000 doses ng Sinovac ang lungsod.
Ang mga pumipila ngayon para magpabakuna ay ang mga indibiduwal na kabilang sa priority group na A2 at A3 o mga senior citizen at persona with comorbidities.
Sa ngayon, meron ng mahigit 50,000 individual ang nabakunahan na laban sa COVID-19 sa lungsod, kung saan kabilang nito ang medical frontliners, senior citizen at persona with comorbidities o mga priority group.
Umaasa naman si Marikina City Mayor Marcy Teodoro na makakamit ng lungsod ang herd immunity pagsapit ng buwan ng Nobyemre ngayong taon.
Mahigpit naman na ipinatutupad ng lungsod ang “no walk-in policy” sa kanilang mga vaccination site.