World record para sa pinakamaraming pinalipad na hot air balloon – nasungkit muli ng France

Panghimagas – Muling nasungkit ng bansang France ang world record para sa sabay-sabay na pagpapalipad ng pinakamaraming hot air balloon.

Isinagawa ang record attempt sa Chambley-Bussieres airbase.

Umabot sa 456 na hot air balloon na may iba’t ibang disensyo ang kanilang pinalipad.


Mas marami ito sa 433 hot air balloon nang una nilang masungkit ang naturang world record.

Unang nasungkit ng France ang titulo noong 2015.

Facebook Comments