Bakwit na nasa Opol Elementary School, umabot na sa higit anim na raan

Umabot na sa anim na raan at sampung indibidwal ang nakasilong ngayon sa Opol Elementary School matapos mamataan ang presenya ng di umanoy miyembro ng New People’s Army sa apat na barangay ng Lungsod.
Basi sa panayam ng RMN News kay Engr. Romel Lonoy, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Opol Misamis Oriental, isinailalim na rin sa state of emergency ang apat na barangay na kinabibilangan ng Barangay Nangkaon, Tingalan, Cauyonan at Limonda.
Una na ring nagbigay ng pasiunang tulong ang probinsyal na pamahalaan ng Misamis Oriental gaya ng pagkain at damit.
Samantala, muli namang nanawagan sa publiko si Misamis Oriental Gov. Bambi Emano sa kapolisan maging sa militar na bantayang maigi ang nasabing mga lugar upang mapaalis ang pinaniniwalaang mga miyembro ng NPA.

*By: Lovelyrose Sambaan*

*tags: Mindanao, Cagayan de Oro, DXCC, DXCC 828, DXCC EXPRESS, Lovelyrose Sambaan, Rmn Cagayan de Oro *


Facebook Comments