Balasahan sa gabinete, posibleng magkaroon muli

36

Posibleng magpatupad si Pangulong Rodrigo Duterte ng minor revamp sa kanyang gabinete.

Ito ay ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, na napapabalita namang magiging sunod na presidential political adviser.


Ayon sa kalihim – magkakaroon ng kaunting pagbabago sa gabinete pero hindi niya masabi kung mangyayari ito sa mismong araw o pagkatapos ng SONA ng Pangulo.

Sa ngayon, ang kumpirmado lang ay ang paglipat kay Agriculture Secretary Manny Piñol sa Mindanao Development Authority.

Facebook Comments

From Advertisers