Apatnaput apat na mga matataas at low power na baril na may kasama pang mga bala at explosibo o granada ang ibinalik-loob kahapon ng mga barangay officials kay Cotabato city Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi, bilang pakikiisa sa panawagan ng ating pangulong Rodrigo Duterte at 6th Infantry Kampilan division Commander Maj.General Arnel Dela Vega.
Ayon kay mayor Guiani Sayadi, nagmula sa tatlumpung barangay sa lungsod ang nagsalong ng kanilang armas.Sinabi pa niya na bilang Safest city sa buong rehiyon dose ay dapat ng mabago ang kultura natin o culture of gun.Hangad niyang bababa pa ang crime rate sa lungsod sa pagsuko ngayon ng mga armas ng cotabatenyo.
Saksi kahapon sa Balik Baril program ceremony ay si Task Force Kutabato Commander Col.Mamawag, 5th Special Forces battalion Commander Lt.Col.Erool James Uri, City PNP Director PS/SUPT.Rolly Octavio, CIDG-ARMM Dirceto Police Supt.Allan James Logan, ABC Pres.Anthony Ross, Councilor Abdillah Lim at mga kapitan.
BALIK BARIL: 44 na klase ng baril at explosibo isinuko sa Cotabato city LGU
Facebook Comments