BALIK SHOWBIZ | Maine Mendoza, magbabalik TV sa January 2018

Showbiz – Excited na ang mga fans ni dubsmash queen Maine Mendoza sa pagbabalik muli nito sa TV sa susunod na taon.

Matatandaan na bago magtungo sa America, naglabas ng open letter si Maine Hinggil sa tunay na status nila ni Alden at nakiusap din ito sa mga over acting na fans na huwag ng idamay pa ang mga taong malapit sa kanila.

Tuloy na tuloy na din ang pelikula nila ni Alden na na-delay lang dahil binago ang script at hindi na ang original plan na action movie.


Sa ngayon, ini-enjoy pa raw ni Maine ang bakasyon lalo na at magpapasko at magbabagong taon kung saan masaya daw siya dahil kasama ang kaniyang pamilya.

Facebook Comments