Sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw ay hindi nangyari ang lumabas na impormasyon nitong weekend na tatanggkaing agawin ang liderato ng Senado mula kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.
Magugunitang nitong weekend ay ibinunyag ni Senator Panfilo Ping Lacson ang nasagap na impormasyong may nagpapaikot ng draft resolusyon para mapalitan si SP Sotto.
Nauna nang sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na malabo itong mangyari dahil tiyak na hindi ito susuportahan ng nakararaming enador.
Nanawagan din si Zubiri sa mga kasamahan na huwag pagdiskitahan na baguhin o palitan ang Senate leadeship dahil makakaapekto ito sa kanilang trabaho.
Ayon kay SP Sotto, sa pagbubukas ng kanilang sesyon kanina ay may mga senador ang lumapit sa kanya at nilinaw na hindi sila kasama sa nagbabalak na tangalin sya bilang lider ng Senado.
Binanggit ni SP Sotto na kabilang sa mga lumapit sa kanya ay sina Senators Christopher Bong Go at Ronald Bato Dela Rosa.
Diin naman ni si SP Sotto, dahil ang pananatili nya sa pwesto ay nakabatay sa suporta ng mayorya ng mga Senador.
Tiniyak din ni SP Sotto na hindi makakaapekto sa kanyang trabaho ang plano niyang pagkandidato sa pagkabise presidente sa 2022 elections ka-tandem ni Lacson.