Tinawanan at dinedma ni house speaker Gloria arroyo ang balitang siya ang itatalaga na bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Lumutang ang mga ugong-ugong na siya ang papalit na BSP Governor matapos ang pagyao ni BSP Governor Nestor Espenilla Jr.
Ayon sa speaker, walang katotohanan at pawang hypothetical lamang ang mga pinalulutang na impormasyon.
Si Arroyo ay nasa huling termino na sa kanyang pagiging kinatawan ng pampanga at babalik na ulit sa pagiging private citizen pagkatapos ng 17th congress.
Samantala, walang namang nakikitang masama si Arroyo kung ineendorso niya ang mga kandidato ng hugpong ng pagbabago na itinatag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sinabi nito na hindi naman magkakaroon ng conflict dito kahit pa miyembro siya ng PDP-Laban