PBA | Final 8 ng Commissioner’s Cup magsisimula na mamaya

Manila, Philippines – Maghaharap para sa pwesto sa semifinals ang mga koponan San Miguel Beer at MVP Group of Companies sa pagsisimula ng best of three quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Magbubuno ang TNT KaTropa kontra San Miguel Beer sa unang laro, alas kuwatro y media ng hapon habang magsasalpukan naman sa second game ang Barangay Ginebra at Meralco Bolts ng ala siyete ng gabi.

Ito ang unang pagkakataon na mangyayari ang mga match up ng mga mortal na corporate rival sa last 8 pa lamang ng liga.


Kung titingnan ang naging laro sa elimination round, mas consistent ang Tropang Texters at ang Bolts.

Pero hindi naman nila puwedeng balewalain ang mga banta ng Beermen at Gin Kings.

Sa huling dalawang torneo ng PBA, hindi nanalo ang TNT sa SMB sa kanilang best of seven series.

Sa mga huling match up naman ng Bolts at Gin Kings, nanalo ang Ginebra sa finals ng dalawang magkasunod na serye kontra Meralco.

Facebook Comments