Bandila ng Pilipinas na Sumisimbulong Sakop ang Philippine Rise, Itinayo ng AFP!

Cauayan City, Isabela – Pinasalamatan ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command ang mga miyembro ng Laguna Scuba Divers Group na nakatuwang nila sa paglatag sa ilalim ng karagatan ng Philippine Rise ang bandila ng bansa.

Pinangunahan ng Norther Luzon Command ang planong pagpapatayo ng bandila ng bansa sa Philippine Rise at sa tulong ng Laguna Scuba Divers Group, BFAR at ilang Stakeholders.

Ayon kay Engineer Jeorge Amon ng Laguna Scuba Divers Group, lumapit ang NOLCOM sa grupo niya upang isakatuparan ang planong paglalagay ng bandila sa ilalim ng karagatang sakop ng Benham Rise na ngayon ay pinangalanang Philippine Rise.


Dagdag pa ni Engr. Amon na siya ang utak at nagdisenyo ng ginawang flat form na hango sa kagustuhan ng NOLCOM kung saan umabot ito ng isang buwan bago dinala sa dagat sa tulong narin ng mga sundalo.

Sinabi pa ng grupo nito na hindi basta masisira ang kanilang inilatag na flat form sa ilalim ng dagat dahil gawa ito sa napakatibay na materyales.

Facebook Comments