Banggaan ng Ambulansya at Motorsiklo sa Santiago City, Dalawa Sugatan!

Santiago City- Isinugod sa pagamutan ang dalawang kataong lulan ng motorsiklong nagtamo ng matinding sugat sa katawan matapos ang malakas na pagkakabangga ng mga ito sa ambulansya ng rescue 922 ng Cauayan City ganap na alas onse singkwenta kagabi sa Maharlika Highway Fourlanes, Malvar, Santiago City.

Kinilala ang mga sugatang drayber ng motorsiklo na si Maximo Panganiban, 25 anyos, may asawa, residente ng brgy. San Fabian, Echague, Isabela at ang angkas nitong si Lexanne Pascual, 24 anyos, walang asawa at residente ng brgy. Salay, San Agustin, Isabela habang ang drayber naman ng ambulansya ay kinilalang si William Aquino, 59 anyos, drayber ng rescue 922, at residente ng San Antonio, Cauayan City.

Batay sa report ay maghahatid sana ng pasyente si Aquino sa isang pagamutan dito sa lungsod ng biglang sumalubong ang motorsiklo na mula sa kasalungat na direksyon sa naturang lansangan.


Dagdag pa rito ay, napag alaman pa sa pagsusuri na ang dalawang sugatan ay nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Aquino ay masyado umanong mabilis ang patakbo ni Panganiban na dahilan upang tumbukin nito ang minamanehong ambulansya.

Sa ngayon ay nasa pagamutan na ang dalawang pagamutan na nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan matapos tumilapon dahil sa lakas ng impak ng pagkakabangga.

Facebook Comments