Banggaan ng Dalawang Motorsiklo, Isa ang Nasawi!

Cauayan City, Isabela – Nagsalpukan ang dalawang motorsiklo at nasawi ang isang drayber sa kahabaan ng National Highway ng Barangay Minante dos, Cauayan City sa oras na alas nuebe ng gabi kahapon.

Kinilala ang biktima at drayber ng SYM motorcycle na si Edieboy Vergara,32 taong gulang at residente ng Barangay Magsaysay, Cabatuan, Isabela samantala ang drayber ng Euro Single Motorcycle ay si Jay-R Lungub,23 taong gulang at residente ng Barangay Santiago, Reina Mercedes, Isabela.

Sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, binabaybay ng dalawang magkasalubong na motorsiklo ang nasabing lansangan nang biglang lumihis at tinahak ni Lungub ang linya ni Vergara na naging sanhi ng banggaan.


Sa resulta nagtamo ng matinding sugat sa katawan sina Vergara at Lungub na itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan ngunit agad na binawian ng buhay si Vergara.

Nasa tangggapan na ng PNP Cauayan ang motor ni Lungub para sa karagdagang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.

Facebook Comments